Nagpasiya ang Pamahalaang Tsino na magkaloob ng pangkapigitang tulong sa Cuba para sa rekonstruksyon at rehabilitasyon pagkaraan ng bagyong Irma.
Ito ang ipinahayag Linggo, Setyembre 17, 2017 ng Pasuguan ng Tsina sa Cuba.
Napag-alamang, kabilang sa nasabing tulong ay 100 milyong US dollar na salapi at mga tulong na materyales na gaya ng tolda, electric generator, kumot, bomba, lampara at iba pa. Bukod dito, simula kalagitnanan ng darating na Oktubre, maghahatid din ang Tsina ng bigas sa Cuba.
Noong Setyembre 8 hanggang Setyembre 10, sinalanta ng bagyong Irma ang Cuba at malaki ang idinulot na kapinsalaan sa tao at ari-arian.
Salin: Jade
Pulido: Rhio