Setyembre 19, 2017—Sa regular na news briefing, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos bukas sa Punong Himpilan ng United Nations sa New York, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Iran at 6 na panig na may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran. Lalahok si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa pulong na ito.
Isinalaysay ni Lu na masusuri sa nasabing pulong ang pagsasagawa ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA). Aniya, ang pagdating ng JCPOA ay maaaring maging modelo ng paglutas sa mga isyung pandaigdig, sa paraang pulitikal at diplomatiko.