Setyembre 21, 2017—Nag-usap dito sa Beijing sina Chang Wanquan, Ministro ng Tanggulang-Bansa ng Tsina at Ng Eng Hen, dumadalaw na Minitrong Pandepensa ng Singapore.
Sinabi ni Chang na dapat komprehensibong isakatuparan ang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, katigan ang sa isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at kapuwa nila pinahahalagahan, at palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa ilalim ng framework ng "Belt and Road" Initiative. Aniya pa, ang relasyon ng mga hukbo ng Tsina at Singapore ay mahalaga, at nakahanda ang Tsina na ibayo pang palawakin ang kooperasyon ng mga hukbo at paunlarin ang mas malalim na pag-uugnayan ng dalawang panig.
Nagpahayag si Ng Eng Hen ng pagbati para sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army ng Tsina. Umaasa aniya ang Singapore na ibayo pang pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig sa larangang pandepensa.
Salin: Lele