|
||||||||
|
||
New York — Dumalo Biyernes, Setyembre 22, 2017, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN) sa seremonya ng paglalagda sa "Memorandum of Understanding ng Ministring Panlabas ng Tsina at UN Department of Economic and Social Affairs (UNDESA) tungkol sa 'Belt and Road' Initiative."
Nilagdaan nina Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawang Tsino sa UN, at Liu Zhenmin, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN ang nasabing MOU na sumasaklaw sa mga larangang gaya ng pragmatikong kooperasyon, konstruksyon ng kakayahan, pagbabahaginan ng karanasan, at pag-aanalisa sa polisiya. Layon nitong pasulungin at palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig at bigyang-tulong ang mga umuunlad na bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" sa pagpapataas ng kakayahan ng pag-unlad.
Noong taong 2013, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang "Belt and Road" Initiative na nakakuha ng malawakang pagkatig ng komunidad ng daigdig. Hanggang sa kasalukuyan, lumagda na ang Tsina, kasama ng 74 na bansa't organisasyong pandaigdig sa dokumentong pangkooperasyon ng inisyatibang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |