Ayon sa ulat na inilabas Martes, ika-26 ng Setyembre, 2017 ng Asian Development Bank (ADB), salamat sa pagpapasulong ng pamahalaan sa konstruksyon ng imprastruktura at paglaki ng pangangailangang panloob, pinataas ng ADB ang pagtaya nito sa paglago ng kabuhayang Pilipino sa taong 2017 at 2018 sa 6.5% at 6.7%, ayon sa pagkakasunod.
Anang ulat, nitong nakalipas na ilang taon, tuluy-tuloy na lumaki ang kabuhayan ng Pilipinas. Noong 2016, umabot sa 6.9% ang paglaki nito. Ipinalalagay ng nasabing bangko na sa taong 2017 at 2018, mananatiling may kalakihang paglaki ang kabuhayang Pilipino.
Salin: Vera