Ayon sa ulat mula sa Philippine Daily Inquirer, ibinaba kamakailan ng Asian Development Bank (ADB) ang pagtaya ng kabuhayang Pilipino sa 5.9% mula 6%. Ito ay mas mababa kaysa target ng paglaki ng 7% na tinaya ng Pamahalaang Pilipino.
Sa kabila nito, ipinalalagay pa rin ng ADB na nananatiling malusog at matatag ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayan ng nasabing bansa, kumpara sa mga iba pang bansa sa rehiyong ito.
Ayon pa sa pagtaya ng ADB, aabot sa 6.3% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang Pilipino sa taong 2016.
Salin: Li Feng