Ayon sa pagtaya ng ulat na inilabas Martes, ika-26 ng Setyembre, 2017 ng Asian Development Bank (ADB), sa kasalukuyang taon, aabot sa 6.3% ang paglago ng kabuhayan ng Biyetnam, at 6.5% naman ang paglago nito sa taong 2018.
Anang ulat, dahil bumaba ng 8% ang output ng produktong mineral at crude oil ng Biyetnam noong unang hati ng kasalukuyang taon, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, maganda ang kabuhayan ng bansang ito, dahil sa export-oriented economy at malakas na konsumo sa loob ng bansa. Sa ika-3 kuwarter ng taong ito, may pag-asang aabot sa 7.12% ang paglago ng kabuhayan nito.
Ipinakikita ng estadistika na noong unang hati ng taong ito, 5.7% ang paglaki ng kabuhayan ng Biyetnam.
Salin: Vera