|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ng Pilipinas na noong ika-3 kuwarter ng 2016, nasa 7.1% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayan ng bansa. Ito ay mas malaki kaysa tinayang 6.8% na naging unang puwesto sa mga Asian economy.
Masaya umano nakikita ang bakas ng pag-ahon ng produksyong agrikultural ng Pilipinas. Ito anito ay isa sa mga pangunahing gawain ng pamahalaan, ayon sa NEDA.
Ayon pa sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), noong ika-3 kuwarter, lumaki ng 6.9% ang industriyang panserbisyo ng bansa, 8.6% naman ang industriya. Ang mga ito ay nakapagpasulong sa pangkalahatang paglaki ng kabuhayan nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |