Martes, ika-26 ng Setyembre, 2017, sinabi ni Sutopo Purno Nugroho, Tagapagsalita ng Kawanihan ng Paglaban sa Likas na Kapahamakan ng Indonesia, na matinding yumanig kamakailan ang Mount Agung, bulkan sa Bali Island, at posible itong pumutok. Sa kasalukuyan, mahigit 57,000 tao ang pangkagipitang inilikas sa lugar na malapit sa bulkan.
Ayon sa nasabing tagapagsalita, sa kasalukuyan, di pa tiyak ang saktong oras ng pagputok ng bulkan, at ang kasalukuyang kalagayan ng bulkan ay hindi nagdulot ng direktang banta sa mga turista sa labas ng evacuation zone.
Salin: Vera