Beijing — Upang salubungin ang matagumpay na pagdaraos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), binuksan kamakailan ang malaking eksbisyong may temang "Five Years On: How China Has Changed." Sa sampung (10) aspektong gaya ng pulitika, kabuhayan, kultura, lipunan, sibilisasyong ekolohikal, at diplomasya, komprehensibong inilahad ng eksbisyong ito ang natamong tagumpay ng usapin ng partido at bansa sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC.
Bumisita sa eksbisyong ito ang maraming sibilyan. Binigyan nila ng lubos na papuri ang natamong malaking bunga ng pag-unlad ng bansa, at ipinagmalaki rin nila ang pag-unlad ng kanilang bansa.
Salin: Li Feng