Miyerkules, Mayo 17, 2017, nakipagtagpo dito sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Hun Sen, dumadalaw na Punong Ministro ng Kambodya.
Ipinahayag ng kapuwa panig na palalalimin ang komprehensibo't estratehikong kooperasyon ng dalawang panig, upang mas mainam na makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at gumawa ng mas malaking ambag para sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Palalakasin din ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kaligtasan ng pagpapatupad sa batas, paglaban sa terorismo, pagbibigay-dagaok sa cyber-crime, at transnasyonal na pagtugis. Bukod dito, palalawakin din ang pagpapalitang panlipunan sa mga aspektong gaya ng turismo, kultura, edukasyon at kabataan.
Salin: Vera