Idinaos Abril 27, 2017 sa Phnom Penh, Kambodya ang ika-4 na pulong ng Koordinadong Lupon ng Tsina at Kambodya. Magkasamang pinanguluhan ang nasabing pulong nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Hor Nam Hong, Pangalawang Punong Ministro ng Kambodya. Nilagom ng dalawang panig ang natamong bunga ng kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, sapul noong ika-3 katulad na pulong, samantala binalangkas din ang plano sa bilateral na pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa darating na taon.
Binigyang-diin ng dalawang panig na komprehensibong lumalalim ang pagtutulungan ng Tsina at Kambodya, at ang madalas na pagkokontakan ay gaganap ng gumagabay na papel sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon. Ipinahayag ng panig Tsino ang pagtanggap sa pagdalo ni Punong Ministro Hun Sen sa Belt and Road Forum for International Cooperation na nakatakdang idaos sa Tsina, sa darating na Mayo ng kasalukuyang taon. Bukod dito, sinang-ayunan ng dalawang panig ang pagpapabilis ng ugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa at pagpapahigpit ng pagtutulungan sa larangan ng produktibong lakas, transportasyon, telekumunikasyon, agrikultura, at patubig; pagpapalawak ng bilateral na kalakalan, at pagtatamo ng 5 bilyong dolyares na kalakalan ng dalawang panig sa taong 2017; pagpapahigpit ng kooperasyon sa larangang pandepensa at pagpapatupad ng batas; pagpapalalim ng pagtutulungan sa edukasyon, kultura, at turismo; at pagpapahigpit ng koordinasyon ng dalawang panig, batay sa mga multilateral na pangkooperasyong balangkas ng UN, at Tsina at ASEAN.