Bilang pagbati sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC), mgakakasanib na ipinadala kamakailan nina Bounngang Vorachith, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangulo ng bansa, Punong Ministro Thongloun Sisoulith, at Mrs. Pany Yathotu, Pangulo ng Pambansang Asemblea ng Laos, ang mensaheng pambati kina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, Premyer Li Keqiang, at Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Anang mensahe, nitong 68 taong nakalipas, sa pamumuno ng CPC, natamo ng usaping sosyalistang may katangiang Tsino ang napakalaking tagumpay. Anito, walang humpay na umuunlad ang Tsina, at tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Napapatingkad din ng Tsina ang palaki nang palaking papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, dagdag pa nito.
Ipinahayag ng mga lider Lao ang kahandaang magsikap kasama ng Tsina upang ibayo pang mapaunlad ang tradisyonal na pagkakaibigang Lao-Sino at kanilang komprehensibong estratehikong partnership.
Salin: Li Feng