SINABI ni American Ambassador to the Philippines Sung Y. Kim sa harap ng mga mangangalakal na Filipino na maganda at matibay ang relasyon sa pagitan ng kanyang bansa at Pilipinas kahit pa itinataguyod ng Duterte Administration ang "independent foreign policy."
Ito ang kanyang mensahe sa harap ng Management Association of the Philippines sa kanilang idinaos na general membership meeting sa Makati City.
Hinilingan ng paliwanag ang diplomatang Americano sa relasyon ng Pilipinas at America matapos sabihin ni Pangulong Duterte na na higit na binibigyang halaga ang pakikipagkaibigan sa Tsina.
Sinabi ni Ambassador Kim na walang problema ang America sa Pilipinas o sa alinmang bansa na nagnanais pagandahin ang relasyon sa Tsina. Hindi umano tumpak ang paniniwala na kontra ang America sa pagpapahusay ng relasyon ng Pilipinas sa Tsina.