Ayon sa East Asia and Pacific Economic Update na inilabas ng World Bank (WB) Miyerkules, Oktubre 4, 2017, tinatayang aabot sa 6.7% ang paglaki ng GDP ng Tsina sa kasalukuyang taon. Ang bilang na ito ay 0.2% mas mataas kumpara sa pagtaya ng WB nitong nagdaang Abril.
Ayon din sa pagtaya ng WB, aabot sa 6.4% ang paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2018, na magiging mas mababa kumpara sa paglaki ng taong ito dahil sa patuloy na pagpapasulong ng kabuhayan ng bansa sa pamamagitan ng konsumong panloob, mula sa pamumuhunan. Gayunpaman, tinukoy rin ng ulat na may posibilidad na itaas ang pagtaya ng paglaki para sa taong 2018 dahil sa reporma ng Tsina sa mga bahay-kalakal na ari ng estado.
Salin: Jade