Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Lunes, ika-17 ng Hulyo 2017, ng Pambansang Kaniwahan ng Estadistika ng Tsina, noong unang hati ng taong ito, lumaki ng 6.9% ang GDP ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Si Xing Zhihong, Tagapagsalita ng Pambansang Kaniwahan ng Estadistika ng Tsina
Sinabi ni Xing Zhihong, Tagapagsalita ng naturang kawanihan, na ang 6.9% na paglaki ng GDP ay nagpapakitang nananatiling medyo mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina. Kasabay nito aniya, ipinakikita ng iba pang estadistika, na maganda rin ang kalagayan ng paghahanapbuhay ng bansa, matatag ang presyo ng mga bilihin, nananatili ang paglaki ng mga sektor ng industriya at serbisyo, at balanse ang international payments. Sinabi ni Xing, na dahil sa mga ito, nakikita ang lubos na pagiging matatag, koordinado, at sustenable ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina.
Salin: Liu Kai