Ayon sa updated World Economic Outlook na ipinalabas ngayong araw, Lunes, ika-24 ng Hulyo 2017, ng International Monetary Fund (IMF), pinataas sa 6.7% at 6.4% ang tinatayang paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa taong ito at susunod na taon. Ang dalawang bilang na ito ay mas mataas ng 0.1 at 0.2 kumpara sa nagdaang pagtaya.
Ito ay ang ika-3 beses nang pagpapataas ng IMF sa tinatayang paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito. Ayon sa naturang organo, ang kasalukuyang pagpapataas ay dahil sa magandang takbo ng kabuhayang Tsino noong unang kuwarter ng taong ito. At ipinalalagay din ng IMF, na patuloy ang pagkatig na pinansyal ng pamahalaang Tsino sa kabuhayan.
Salin: Liu Kai