Sa kanilang pagdalo sa Ika-72 General Assembly ng United Nations(UN) sa New York, nag-usap kahapon, Setyembre 19, 2017 sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Retno Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesiya at nagpalitan ng mga kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng estadong Rakhine ng Myanmar.
Ipinahayag ni Wang na ang isyu ng mga Rohingya ay isang matagal na problem ang napakakomplikado at napakasensitibo. Sa kasalukuyan, dapat agarang isagawa ang hakbangin para mapahupa ang maigting na kalagayan, maiwasan ang kapinsalaan sa mga inosente at mapigil ang paglala ng makataong krisis doon. Samantalang dapat himukin at katigan ang Mynamar at Bangladesh na maghanap ng kalutasan sa pamamagitan ng diyalogo.
Ipinahayag naman ni Retno na bilang pinakamalaking bansang Islamiko, malalimang ikinababahala ng Indonesiya ang kalagayan ng Rakhine at nakahandang patingkarin ang positibong papel sa paglutas ng isyung doon.