|
||||||||
|
||
Hiniling ni Aung San Suu Kyi, Tagapayo ng Estado ng Myanmar sa pamahalaan na pabilisin ang makataong tulong, rehabilitasyon at rekonstruksyon sa Rakhine state sa dakong hilaga ng bansa.
Ipinahayag ni Suu Kyi ang nasabing kahilingan sa pulong na pangkoordinasyon ng Pambansang Sentro ng Rekonsilyasyon at Kapayapaan sa Nay Pyi Taw na ginanap Miyerkules, Oktubre 11.
Iniharap din niya sa pamahalaan ang mga priyoridad para mabisang isagawa ang nasabing mga hakbangin.
Ang mungkahi ay ginawa ng tagapayong pang-estado ng Myanmar isang araw makaraan organisahin ng pamahalaan ang biyahe sa Maungtaw township, Rakhine ng mga sugo ng mga kapitbansa sa Myanmar na kinabibibilangan ng Bangladesh, China, India, Laos at Thailand.
Si Kyaw Tint Swe, Ministro ng Tanggapan ng Tagapayo ng Estado ng Myanmar ay namuno sa nasabing biyahe. Inulit niya ang pangako ng pamahalaan ng Myanmar na isagawa ang pagpapatunay ng pagkakakilalan at pagpapauwi ng mga refugee na umalis patungong Bangladesh, batay sa kasunduan sa pagitan ng Bangladesh at Myanmar noong 1992.
Inilunsad ng Arakan Rohingya Salvation Army ang atake sa mga outpost ng pulisya sa Rakhine, noong Agosto 25. Bunsod nito, maraming Rohingya ang umalis papuntang Bangladesh.
Mga bata sa Ngakhuya village, Maungtaw township, Rakhine state, Myanmar (Photo credit: Xinhua/Haymhan Aung)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |