Sa regular na preskon Miyerkules, ika-11 ng Oktubre, 2017, sinabi ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong pananabik na inaasahan ng panig Tsino na maayos na hahawakan ang mga kinauukulang isyu ng Rakhine State ng Myanmar sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, ititigil ang sagupaan sa lalong madaling panahon, at hindi makakapinsala sa mga inosenteng tauhan.
Aniya, kinakatigan ng panig Tsino ang ginawang pagsisikap ng Myanmar para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Rakhine State. Umaasa aniya ang Tsina na mapapanatili ng Myanmar ang katatagan ng lipunan, pagkakaisa ng mga lahi, at pag-unlad ng kabuhayan.
Nanawagan din si Hua sa komunidad ng daigdig na obdiyektibo't makatarungang pakitunguhan ang kalagayan ng Rakhine State, at himukin ang Myanmar at Bangladesh na hanapin ang pundamental na kalutasan, sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian.
Salin: Vera