Manila, Pilipinas—Idinaos dito Miyerkules, ika-27 ng Setyembre, 2017 ang Ika-35 ASEAN Ministers on Energy Meeting (AMEM). Nanawagan si Kalihim Alfonso Cusi ng Kagawaran ng Enerhiya ng Pilipinas, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, sa mga bansa sa rehiyon na palakasin ang kooperasyon, para maigarantiya ang kaligtasan ng enerhiya sa hinaharap.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Cusi na malaking pagbabago ang naganap sa kasalukuyang kayarian ng enerhiya ng daigdig, at walang tigil na hinahalinhinan ng bagong enerhiya ang tradisyonal na enerhiya. Sa hinaharap, kung paanong maaakit ng industriya ng bagong enerhiya ang pamumuhunan, at maging sustenableng industriyang komersyal ay magiging hamong kakaharapin ng iba't ibang bansa.
Tinukoy pa niyang sa larangan ng tradisyonal na enerhiya, unti-unting lumalaki ang pangangailangan ng Asya sa natural gas, at nagsilbi itong rehiyong tagapag-angkat ng natural gas, pero ang Amerika naman ay malaking bansang tagapagluwas ng natural gas, ito ay magbubunsod ng mahalagang impluwensiya sa pandaidigang pamilihan ng enerhiya. Kaya dapat magtulungan ang iba't ibang bansa sa loob ng rehiyon, para mapangalagaan ang kaligtasan ng enerhiya sa kinabukasan.
Salin: Vera