|
||||||||
|
||
Inilabas Huwebes, Setyembre 7, 2017 ng Xinhua-Qingdao Maritime Economic Index Institute ang taunang Ulat ng Index hinggil sa Konektibidad ng Kalakalang Pandagat ng Silangang Asya.
Mababasa sa nasabing ulat ang konektibidad ng kalakalang pandagat sa pagitan ng sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon at Timog Korea.
Nakompleto ang ulat batay sa 78 index na nilagom sa pamamagitan ng pag-analisa sa 156 na saligang bilang ng nasabing 13 bansa.
Ayon sa ulat, noong taong 2016, may tatlong pangunahing katangian ang konektibidad ng kalakalang pandagat sa pagitan ng nabanggit na mga bansa. Una, nanatiling mahigpit ang kalakalan sa pagitan ng Tsina, Hapon at Timog Korea at malaking napunan ng isa't isa ang pangangailangan sa mga produktong mekanikal at elektrikal. Ikalawa, kumpara sa Timog Korea, mas mahigpit ang konektibidad ng ASEAN sa Tsina at Hapon. Ikatlo, sa loob ng ASEAN, mas mahigpit ang kalakalan sa pagitan ng Malaysia-Singapore at Indonesia-Singapore.
Ito ang ikalawang katulad na taunang ulat na inilabas ng Xinhua-Qingdao Maritime Economic Index Institute.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |