Sa regular na preskon Biyernes, Oktubre 13, 2017, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na maingat na hawakan ang isyu ng Taiwan, at huwag isagawa ang alinmang pakikipagpalagayan at pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan.
Ayon sa ulat, sinuri at pinagtibay Huwebes ng House Foreign Affairs Committee ng Amerika ang "Rebisadong Batas sa Pakikipaglagayan sa Taiwan," kung saan hiniling na komprehensibong alisin ang limitasyon sa pagdadalawan ng mga mataas na opisyal ng Amerika at Taiwan. Kaungay nito, sinabi ni Hua na ang nasabing rebisadong batas ay malubhang lumalabag sa simulain ng patakarang isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Buong tatag na tinututulan aniya ng panig Tsino ang ganitong aksyon ng pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina. Hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na huwag magpadala ng anumang maling signal sa puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan, upang maiwasan ang paghadlang at pagkapinsala sa pangkalahatang kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano, dagdag pa ni Hua.
Salin: Vera