Bilang tugon sa magkasamang tangka ng pamahalaang Hapones at awtoridad ng Taiwan na itaas ang lebel ng kanilang relasyon, ipinahayag sa Beijing nitong Miyerkules, Mayo 17, 2017, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang matinding kawalang-kasiyahan tungkol dito. Ipinagdiinan niya na hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na totohanang tupdin ang kaukulang prinsipyo ng magkasanib na pahayag ng Tsina at Hapon, ginawa nitong pangako sa Tsina, at igiit ang prinsipyong "Isang Tsina."
Dagdag pa ni Hua, buong tinding tinututulan ng pamahalaang Tsino ang pagpapanatili ng mga bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina, ng opisyal na relasyon sa Taiwan sa anumang porma.
Salin: Li Feng