Idinaos kaninang hapon, Martes, ika-17 ng Oktubre 2017, sa Beijing ang preparatoryong pulong ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Sa pamamagitan ng pagboto sa pulong na ito, nabuo ang 22-taong komite ng pagsusuri sa kuwalipikasyon ng mga delegadong kalahok sa nabanggit na kongreso, nabuo ang 243-taong presidium ng kongreso, at napili bilang general secretary ng kongreso, si Liu Yunshan, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Itinakda rin sa pulong ang mga pangunahing agenda ng naturang kongreso, na kinabibilangan ng pagsusuri sa report ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, pagsusuri sa work report ng CPC Central Commission for Discipline Inspection, pagsusuri at pagpapatibay ng amendment sa CPC Constitution, paghalal ng ika-19 na Komite Sentral, at paghalal ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection.
Salin: Liu Kai