Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

(Photo Story: Part 3) Mga delegado ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC

(GMT+08:00) 2017-10-17 15:31:17       CRI

Si Su Tianmei (pangalawa mula kaliwa), Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (Communist Party of China o CPC) Sangay ng Wenpo Village, habang ipinakikilala ang paraan ng paghahabi ng Dong brocade sa mga naninirahan sa Wenpo Village, Tongdao Dong Autonomous County, lalawigang Hunan noong Hunyo 7, 2017.

Tagapagmana si Su ng sining ng Dong brocade ng mga Dong ethnic group, at inalay ang sarili sa pagtuturo ng kaalaman sa tradisyonal na paghahabi at pagtulong sa kanyang kababaya upang gumanda ang kanilang pamumuhay. Inihalal siya upang dumalo bilang delegado sa nalalapit na Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC na gaganapin sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 23, 2017

Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.

Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.

Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.

Salin: Mac
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>