Beijing — Idinaos kahapon ng hapon, Oktubre 17, 2017, sa Great Hall of the People ang unang pulong ng presidium ng Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Dumalo at bumigkas ng mahalagang talumpati sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.
Sa pangungulo ni Liu Yunshan, Pangkalahatang Kalihim ng Kongreso, naipasa sa pulong ang listahan ng pirmihang komisyong binubuo ng 42 miyembrong kinabibilangan ni Xi Jinping.
Pagkatapos nito, isinagawa ang iba't-ibang agenda ng pulong sa pangungulo ni Xi. Sina Liu Qibao, Meng Jianzhu, Zhao Leji, at Li Zhanshu ay naitalaga bilang Deputy Secretaries-General ng Kongreso.
Salin: Li Feng