Sa kanyang report sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na binuksan ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, kauna-unahang iniharap ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapasigla ng kanayunan.
Ang estratehiyang ito ay kinabibilangan ng pagtatakda ng mga mekanismo at patakaran para sa magkakasamang pag-unlad ng kalunsuran at kanayunan, pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura at kanayunan, buong lakas na paggarantiya sa interes sa ari-arian ng mga magsasaka, pagkatig sa pagbubukas ng negosyo ng mga magsasaka, pagpapalawak ng tsanel ng pinagmumulan ng kita ng mga magsasaka, at iba pa.
Salin: Liu Kai