Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na may mas mataas na kahilingan ang mga mamamayan, hindi lamang sa material at pangkulturang pamumuhay, kundi sa mga aspektong gaya ng demokrasya, pangangasiwa alinsunod sa batas, katarungan, pagkakapantay-pantay, seguridad, at kapaligiran.
Sinabi ng pangulong Tsino na ang mas namumukod na problema sa Tsina ay di balanse at lubos na pag-unlad. Ito aniya ay nagiging hadlang sa pagbibigay-kasiyahan sa pangangailangan ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay. Hindi nagbabago ang pundamental na kalagayang pang-estado ng Tsina na mananatili pa sa mahabang panahon, sa inisyal na yugto ng sosyalismo, at katayuang pandaigdig nito bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, dagdag pa ni Xi.
Salin: Li Feng