Mula noong ika-14 hanggang ika-16 ng buwang ito, inilabas sa 37 bansa at rehiyon sa Asya-Pasipiko ang 3-episode na TV documentary "China: Time of Xi," na ginawa ng Discovery Channel ng Amerika.
Sa dokumentaryong ito, komprehensibong isinalaysay ang mga ideya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamahala ng estado, at kalagayan sa iba't ibang aspekto ng Tsina.
Inilabas ang naturang dokumentaryo sa pamamagitan ng Discovery Networks Asia-Pacific, at napanood ito sa 37 bansa at rehiyon, na kinabibilangan ng Hapon, Timog Korea, Australya, New Zealand, Indya, Thailand, Malaysia, Singapore, at iba pa. Muli itong isasahimpapawid mula ika-28 ng buwang ito hanggang ika-11 ng darating na Nobyembre.
Salin: Liu Kai