Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tinukoy ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na tutupdin ng Tsina ang prinsipyong "magkakasamang pagtalakay, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagtatamasa," gawing pokus ang konstruksyon ng "Belt and Road," isasagawa ang patakaran ng liberalisasyon at pagpapaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan na may mataas na lebel, at komprehensibong isasagawa ang Pre-establishment National Treatment at Negative List Management Mode, malawakang paluluwagin ang market access, palalawakin ang pagbubukas ng industriyang pangserbisyo sa labas, at pangangalagaan ang karapatan at kapakanan ng pamumuhunan ng mga dayuhang negosyante. Aniya, dapat pantay na pakitunguhan ang lahat ng kompanyang nag-register sa loob ng Tsina.
Salin: Li Feng