Ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapauna ng edukasyon para maisakatuparan ang komprehensibong kasaganaan ng sambayanang Tsino.
Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang ulat sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na idinaraos mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Ipinahayag din niyang dapat pahalagahan ang kompulsaryong edukasyon sa kanayunan at pabutihin ang preschool education, espesyal na edukasyon at online education. Binigyang-diin din niya ang pangangailangan sa pagpapahusay ng sistema ng pagbibigay-tulong at scholarship sa mga estudyante. Hiniling din niya sa mga pamantansan na pabilisin ang pagtatatag ng primera klaseng unibersidad at disiplina.
Salin: Jade
Pulido: Mac