Ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ang partidong ito ay nagsisikap, hindi lamang para sa mabuting pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, kundi sa pag-unlad ng buong sangkatauhan.
Winika ito ni Xi sa opening meeting ng ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 18, 2017.
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga dayuhang pulitiko na ang mga mungkahi na iniharap ng Tsina na gaya ng Community of Common Destiny ng buong sangkatauhan at "Belt and Road" Initiative ay nagkaloob ng mahalagang plano para sa komong pag-unlad ng buong daigdig. Ito anila ay malawak na tinatanggap ng komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ni Konstantin Kosachev, Tagapangulo ng Foreign Affairs Committee ng Federation Council (Duma) ng Rusya, na aktibong pinasulong ng Tsina ang pag-unlad ng integrasyong panrehiyon at pandaigdig para makalikha ng pantay at transparent na kaayusang pandaigdig ang mga pangunahing bansa. Aniya pa, ang Tsina ay itinuturing ng mas maraming bansa na namumuno sa globalisasyon.
Kaugnay ng "Belt and Road" Initiative, ipinahayag ni Juergen Friedrich, Chief Executive ng Germany Trade and Invest, na sa ilalim ng balangkas nito, ang pamumuhunan ng Tsina sa mga kasangkot na bansa ay hindi lamang nagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng nasabing mga bansa, kundi magdudulot ng bagong pagkakataon at pamilihan para sa mga bahay-kalakal ng buong daigdig.