Sa opening meeting ng ika-19 na National Congress ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 18, 2017, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC, na ang sistemang pulitikal ng sosyalismong may katangiang Tsino ay magkasamang itinatag ng CPC at sambanayang Tsino sa pamamagitan ng praktika sa loob ng mahabang panahon.
Naniniwala aniya siyang maaaring patingkarin ng CPC ang katangian at bentahe ng sosyalistang demokrasya ng Tsina para magbigay ng ambag sa pag-unlad ng sibilisasyon ng buong sangkatauhan.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga pandaigdigang dalubhasa na ang susi ng malaking pag-unlad ng Tsina ay paggigiit ng pamumuno sa CPC at landas ng pag-unlad na angkop sa kalagayan ng bansang ito. Ito rin anila ang tamang direksyon ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Sinabi ni Jon Taylor, dalubhasa mula sa University of St. Thomas University ng Amerika na, kung wala ang pamumuno ng CPC, hindi aabot ang Tsina sa kasalukuyang katayuang pandaigdig.
Sinabi ni Andrey Vinogradov, dalubhasa mula sa Russian Academy of Sciences, na ang karanasan ng Tsina ay nagpapakitang ang capitalism ay hindi ang tanging pagpili para umunlad ang mga bansa.