|
||||||||
|
||
Si Ginoong Herman Laurel, mediaman ng Pilipinas
Ang ginawang ulat ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, ay kasalukuyang nakakatawag ng malaking pansin ng buong mundo, ito ang ipinahayag kamakailan ni Ginoong Herman Laurel, mediaman ng Pilipinas sa kanyang panayam sa China Radio International (CRI). Ang nasabing ulat ay nagpapakita ng determinasyon ng Tsina sa mapayapang pag-unlad, dagdag ni Laurel. Lubos din aniyang pinapanatag nito ang loob ng Pilipinas at buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag pa ni Laurel na natamo ng kabuhayan at lipunang Tsino ang napakalaking tagumpay. Kaugnay ng iniharap na plano tungkol sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap, lubos aniya itong inaasahan ng buong mundo.
20171022LaurelSoundI.mp3
|
Sinabi ni Laurel na inulit sa nasabing ulat na iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad. Winiwelkam ito aniya ng Pilipinas.
20171022LaurelSoundII.mp3
|
Aniya pa, ayon sa naturang ulat, magiging mas maluwag ang pagbubukas ng pinto ng Tsina sa labas. Aktibo aniyang pasusulungin ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon ng "Belt and Road." Ito ay may mahalagang katuturan sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas at buong daigdig, dagdag niya.
20171022LaurelSoundIII.mp3
|
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |