|
||||||||
|
||
Sa okasyon ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), magkakasunod na ipinadala ng mga dayuhang lider, partido at organisasyon ang mensahe bilang maringal na pagbati sa pangyayaring ito.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Charles Ahn, Presidente ng South Korean People's Party, na sa pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa ilalim ng patnubay ni Xi Jinping, natamo ng Tsina ang maluningning na tagumpay. Nananalig aniya siyang sa pamumuno ng CPC, ang Ika-19 na CPC National Congress ay tiyak na magiging dakilang simula ng pagpapasulong pa ng iba't-ibang usapin ng Tsina.
Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Nicolas Sarkozy, dating Pangulong Pranses, na sa pamumuno ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC, komprehensibong isinasabalikat ng Tsina ang sariling responsibilidad sa mga suliraning pandaigdig. Ang nasabing kongreso ay isang malaking pangyayaring may kaugnayan sa kinabukasan ng Tsina, aniya.
Ipinahayag din ni H.R.H. Samdech NORODOM Sirivudh, Presidente ng Board of Directors ng Cambodian Institute of Cooperation and Peace (CICP), na may mahalagang katuturang pampatunubay ang modelo ng pag-unlad ng Tsina. Nakahanda aniya ang Cambodia na pag-aralan ang karanasan ng CPC sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |