|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong araw, Martes, ika-24 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Pinanguluhan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang closing session.
Sa pamamagitan ng pagboto, naihalal sa kongreso ang ika-19 na Komite Sentral ng CPC, na binubuo ng 204 na miyembro at 172 alternatibang miyembro. Naihalal din ang ika-19 na CPC Central Commission for Discipline Inspection, na binubuo ng 133 miyembro.
Bukod diyan, pinagtibay ang resolusyon hinggil sa report ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, bilang pag-aaproba sa report na ito, na ginawa ni Xi Jinping.
Dagdag pa riyan, pinagtibay ang resolusyon hinggil sa work report ng ika-18 Central Commission for Discipline Inspection, bilang pagpabor sa mga gawain ng komisyong ito.
Inaprobahan din ang resolusyon hinggil sa amendment sa CPC Constitution, kung saan inilakip ang ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, na iniharap ni Xi Jinping.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |