Si Azman Anuar, beteranong news commentator ng pahayagang Utusan ng Malaysia
Ipinalabas kahapon, Oktubre 23, 2017 ang artikulo ni Azman Anuar, beteranong news commentator ng pahayagang Utusan ng Malaysia na nagsasabing mahalaga ang kasalukuyang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC).
Ayon kay Azman Anuar, ang ulat na ibinigay ni General Secretary Xi Jinping ng CPC ay nakapagbigay ng isang plano sa kaunlaran ng Tsina at paghahalal ng ang bagong liderato, kaya, napakahalaga ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Ipinahayag pa ng nasabing mamamahayag, na sa imbitasyon, dumalo ng pulong ang kinatawan ng naghaharing partido ng Malaysia-United Malays National Organization (UMNO). Nakabuti aniya ito sa ibayo pang pagpapasulong ng pagpapalitan ng dalawang partido, pagpapahigpit ng pagtitiwalaang pulitikal, mutuwal na kapakinabangan at ito ay isang pangunahing palatandaan na nananatiling maganda ang relasyong pangkapitbansa, at pangkatuwang ng makabilang panig.
Tinukoy pa niya na nitong 5 taong nakalipas, naging mas mature at matatag ang relasyong bilateral Malay-Sino at pumasok ito sa isang bagong yugto, kung saan, mabilis na tumataas ang lebel ng kooperasyon sa pulitika, kabuhayan, kultura at seguridad.
Bukod dito, mataas na pinahahalagahan ni Azman Anuar ang One Belt One Road Initiative (OBOR) at ibang mga mungkahing iniharap ng Tsina sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig. Umaasa aniya ang Malaysia na sa balangkas na ito, ibayo pang pahihigpitin ang pag-uugnayan ng iba't ibang bansa sa kalakalan at pagtatag ng imprastruktura, palalakasin ang koordinasyon sa estratehiyang pangkaunlaran at matutupad ang komong pag-unlad.