Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, makakapagbigay ng mga bagong ambag para sa buong mundo

(GMT+08:00) 2017-10-23 16:12:29       CRI

Ayon sa ulat na ginawa ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, tinukoy niyang pumasok na sa bagong yugto ang sosyalismong may katangiang Tsino. Ito aniya ay bagong lokasyong historikal ng pag-unlad ng Tsina.

Noong Agosto ng kasalukuyang taon, isang imbestigasyon ay isinagawa ng Ipsos French sa mga mamamayan ng 26 na bansang tulad ng Tsina, Estados Unidos, Britanya, at Hapon. Ayon sa resulta ng imbestigasyon, optimistiko ang 87% Chinese interviewee sa pag-unlad ng bansa sa kinabukasan. Ito'y nasa unang puwesto sa mga inimbestigahang bansa. Ipinalalagay naman ng mga dayuhang media na nakakapagbigay ito ng lipos na "positive energy" sa situwasyong pandaigdig na may maraming pagbabago.

Sinabi ni Sergey Luzianin, puno ng Far East Institute of the Russian Academy of Sciences, na ang mga natamong tagumpay ng Tsina sa mga larangang gaya ng pag-unlad ng kabuhayan at kooperasyong pandaigdig, ay bunga ng pagsasagawa nito ng modelo ng sosyalismong may katangiang Tsino. Ang mga ginawang estratehikong pagsasaayos at plano sa nasabing kongreso ay nakapagbigay ng mahalagang patnubay sa mga ibang bansa, aniya.

Natamo rin ng Tsina ang malaking tagumpay sa larangan ng paglaban sa korupsyon. Nag-iwan ito ng malaking impresyon kay Simon Khaya Moyo, kagawad ng Pulitburo ng Zimbabwe African National Union- Patriotic Front (Zanu PF) — kasalukuyang naghaharing partido ng bansang ito. Lubos niyang pinapurihan ang aksyon ng CPC sa paglaban sa korupsyon. Dapat pag-aralan ng Zimbabwe ang karanasan ng Tsina sa usaping ito, dagdag niya.

Bilang tugon sa kasalukuyang kinakaharap na trade protectionism, at iba pang hamon sa daigdig, inulit ng CPC ang ideya ng pagsasaayos sa daigdig na "magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag, at magkakasamang pagtatamasa." Naninindigan din ang CPC na dapat buksan ang pinto ng bansa at aktibong paunlarin ang global partnership. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Laurie Pearcey, Asistanteng Propesor ng Australian University of New South Wales, na ang puwersang Tsino ay makakatulong sa pakikilahok ng iba't-ibang bansa, sa proseso ng pag-unlad ng integrasyong pandaigdig.

Bukod dito, ipinalalagay ni Lydia Samarbakhsh, namamahalang tauhan ng Partido Komunista ng Pransya sa relasyong pandaigdig, na ipinakita muli ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC ang determinasyon ng Tsina sa pagsasabalikat ng responsibilidad nito sa buong daigdig.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>