Ang report ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng Partido Kumunsita ng Tsina(CPC) sa pagbubukas ng 19th CPC National Congress ay lubusang sinusubaybayan ng ibat-ibang sektor ng Indonesya, lalo na ng mga estudyenteng Indones na nag-aaral sa Tsina.
Ipinalalagay nilang hindi lamang tiniyak sa report ang direksyong pangkaunlaran ng Tsina sa hinaharap, kundi mapapalawak din nito ang pakikipagtulungan ng Tsina sa ibat-ibang bansa sa daigdig. Optimistiko anila sila sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Ipinahayag din nilang mas maraming kabataang Indones ang nais na mag-aral o maghanap-buhay sa Tsina, at mas maraming Tsino naman ang nais na pumunta sa Indonesya para sa pamumuhunan.