Sa kanyang talumpati sa closing session ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na ipininid ngayong araw, Martes, ika-24 ng Oktubre 2017, sa Beijing, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na matagumpay ang kasalukuyang kongreso.
Ipinahayag niya ang pananalig, na ang mga desisyon at planong ginawa sa kongreso at mga bungang natamo ay gaganap ng mahalagang papel sa pagpapatnubay at paggarantiya sa tagumpay ng iba't ibang usapin ng CPC at estado ng Tsina.
Nanawagan din si Xi sa lahat ng mga miyembro ng CPC, na laging gawing sariling misyon ang hangarin ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay, at buong sikap at buong lakas na magpunyagi, para isakatuparan ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Salin: Liu Kai