Lunes, Oktubre 23, 2017—Sa ika-4 na pulong ng ika-14 na Pambansang Asemblea ng Biyetnam, ipinahayag ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam na pinaplanong itakda sa 6.5% hanggang 6.7% ang target ng paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Binuksan nang araw ring iyon ang ika-4 na pulong ng ika-14 na Pambansang Asemblea ng Biyetnam. Sa pulong, inulat ni Nguyen Xuan Phuc ang kalagayan ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa sa taong 2017, at target sa unang dako ng taong 2018.
Salin: Vera