White House, Amerika-Nag-usap Oktubre 23, 2017 sina dumadalaw na Punong Ministrong Lee Hsien Loong ng Singapore at Pangulong Donald Trump ng Amerika.
Ipinahayag ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong na ibayo pang mapapalalim ang partnership ng Singapore at Amerika, at mapapalawak ang pagtutulungan ng dalawang panig sa larangang pangkabuhayan at panseguridad. Aniya, bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa 2018, inaasahang ibayong mapapasulong ang pagtutulungan ng ASEAN at Amerika.
Winika ito ni Lee sa isang magkasanib na preskong dinaluhan niya nang araw ring iyon, kasama ni Pangulong Trump ng Amerika.