|
||||||||
|
||
Si Xun Xiaohong, isang babaeng manggagawa habang nililinis ang baradong kanal sa Harbin, kabisera ng lalawigang Heilongjiang sa hilagang silangang Tsina noong Hunyo 18, 2017.
Si Xun, edad 47 taong, ay 20 taon nang nagtatrabaho sa kanyang tanggapan. Siya ay inihalal bilang delegado sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC na ginanap sa Beijing mula Oktubre 18 hanggang 24, 2017.
Sa loob ng isang taon, 2,287 delegado ang naihalal upang lumahok sa pambansang kongreso na ginaganap kada limang taon. Ayon sa panuntunan, ang bawat nominado ay dapat maging karapatdapat sa aspektong pulitikal, ideolohikal, may kapuri-puring pamumuhay, may kakayahang makipagtalakayan sa mga pambansang usapin at matagumpay sa kanilang trabaho.
Sa hanay ng mga napiling delegado, 771 sa kanila ay mula sa hanay ng produksyon at paggawa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, magsasaka at teknisiyan na bumubuo ng 33.7% ng kabuuang bilang. Ito ay mas malaki ng 3.2% kumpara noong nakaraang limang taon.
Ang mga delegado ay di lang mula sa tradisyonal na mga industriya gaya ng paggawa, transportasyon, bakal at karbon, kundi maging sa sektor ng pinansyoa, Internet at mga organisasyong panglipunan.
Salin: Mac
Web-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |