BEIJING, Oktubre 25, 2017 – Sa kanyang pahayag sa media, habang kasama ang iba pang miyembro ng Pulitburo ng Ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa Great Hall of the People, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng naturang Sentral na Komite ng CPC, na tinatanggap ng Tsina ang mga obdiyektibong pagbabalita at konstruktibong mungkahi.
"Hindi namin kailangan ang mataas na papuri mula sa iba, pero, tinatanggap namin ang mga obdiyektibong pagbabalita at konstruktibong mungkahi, dahil ito ang aming paniniwala: Di-naghahangad ng papuri, masaya na akong malaman na pinupuno ng aking integridad ang sanlibutan," ani Xi.
Hinimok niya ang mga miyembro ng media na bisitahin at tingnan ang ibat-ibang lugar ng Tsina, at binanggit ang isang kasabihang Tsino, " mas mabuting makita ng isang beses kaysa marinig ng ilang daang ulit."
"Hangad namin na sa pagtatapos ng Kongresong ito, patuloy ninyong susundan ang mga pag-unlad at progreso ng Tsina, at pag-aralan at ibalita ang iba pang mga dimensyon ng pagsulong ng bansa," dagdag niya.
Salin: Rhio
Web-edit: Jade