Kaugnay ng katatapos na Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nagbigay ng positibong pagtasa ang mga pangunahing media at tauhan ng iba't ibang sektor ng Hong Kong, Macao at Taiwan.
Ipinalalagay ng Wen Wei Po at Ta Kung Pao, dalawang dyaryo ng Hong Kong, China, na itinuro ng nasabing pulong ang direksyon ng pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.
Ipinalalagay naman ng Macao Daily na ang ulat ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC sa nasabing pulong ay isang pragramatikong dokumento na may mahalagang katuturan sa pag-unlad ng Marxism sa Tsina. Ito rin ay deklarasyong pulitikal ng CPC sa pag-unlad ng Tsina sa bagong panahon, dagdag pa ng Macao Daily.
Ipinahayag ng China Times ng Taiwan na malinaw ang bottom line at may magandang intension ang patakaran ng Mainland China sa Taiwan, kaya napapanahon nang magsagawa ang mga puno ng Taiwan ng mga katugong hakbangin.