|
||||||||
|
||
Idinaos kaninang umaga, Miyerkules, ika-25 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ang unang sesyong plenaryo ng ika-19 na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ayon sa komunikeng ipinalabas ng sesyon, naihalal si Xi Jinping, bilang Pangkalahatang Kalihim ng nasabing Komite Sentral.
Bukod dito, naihalal din si Xi, kasama ang iba pang 6 na katao, bilang Pirmihang Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng ika-19 na Komite Sentral. Ang mga ito ay sina Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, at Han Zheng.
Pagkaraan ng sesyong plenaryo, nakipagtagpo ang bagong liderato ng CPC sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan. At sa ngalan ng kanyang mga kasamahan, bumigkas ng talumpati si Xi Jinping.
Sinabi ni Xi, na magsisipag na magtatrabaho ang bagong CPC Central Committee, para matugunan ang katungkulan, isakatuparan ang kanilang misyon at maging karapat-dapat sa tiwala ng lahat ng mga miyembro ng Partido, at lahat ng mga mamamayang Tsino.
Dagdag niya, magpupunyagi ang CPC upang magkaroon ng sustenable at malusog na paglaki ng ekonomiya hanggang sa taong 2019, na siya ring Ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China.
Ipinagdiinan din ni Xi, na ang CPC ay dapat manangan sa pilosopiya ng pag-unlad, kung saan ang mga mamamayan ang ipinapauna para magkaroon ng matatag na progreso ng pagpapasulong ng "sense of fulfillment" at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan para sa lahat.
Ipinangako rin niyang, ang Tsina ay ibayo pang magrereporma at magbubukas sa labas, at gagawa ng bago at mas malaking kontribusyon para sa kapayapaan at pag-unlad ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |