BEIJING, Oktubre 25, 2017 – Sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na gagawa ng bago at mas malaking kontribusyon ang Tsina para sa kapayapaan at pag-unlad ng sangkatauhan.
Sa kanyang pakikipagtagpo sa media, ipinahayag ni Xi, na sumailalim ang CPC at mga mamamayang Tsino sa maraming pagsubok at pagpapakasakit, at ang mga karanasang ito aniya, ang nakapagturo sa Tsina, na ang kapayapaan ay lubhang mahalaga, at ang pag-unlad ay kailangang paka-ingatan.
"Sa tulong ng kumpiyansa at pananalig, matatag na itataguyod ng mga mamamayang Tsino ang soberanya, seguridad at interes ng bansa," ani Xi. Sinabi pa ni Xi, na magpupunyagi ang Tsina, kasama ang iba pang bansa na magtayo ng pandaigdigang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, at gagawa ng bago at mas makabuluhang kontribusyon para sa dakilang hangarin ng kapayapaan at pag-unlad para sa sangkatauhan.
Salin: Rhio
Web-edit: Jade