Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga tauhang Tsino at dayuhan, positibo sa talumpati ni Xi Jinping

(GMT+08:00) 2017-10-25 19:57:02       CRI
Binigyan ng mga tauhang Tsino at dayuhan ng mataas na pagtasa ang talumpati ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa pakikipagtagpo ng bagong liderato ng CPC sa mga mamamahayag, na ginanap ngayong araw, Miyerkules, ika-25 ng Oktubre 2017, sa Beijing. Ipinahayag din nila ang malaking pag-asa sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.

Si Robert Lawrance Kuhn, Pangulo ng Kuhn Foundation ng Amerika, ay lumahok sa pakikipagtagpo ngayong araw. Sinabi niyang, sa nasabing talumpati, ginawa ni Xi ang pangkalahatang plano hinggil sa pag-unlad ng Tsina, at binigyan niya ang malinaw na outline hinggil sa mga target na iniharap sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC. Ang mga ito aniya ay mahalaga para sa pag-unlad ng Tsina sa hinaharap.

Bumisita ngayon sa Beijing si Amir Gal Or, Managing Partner ng Infinity Group ng Israel. Sinabi niyang, ang matatag na paglilipat ng liderato ng Tsina, at mga desisyong ginawa sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, ay nagpapakitang patuloy ang Tsina sa mga isinasagawang patakaran at hakbangin. Nananalig aniya siyang patitingkarin ng Tsina ang mas mahalagang papel sa daigdig, at idudulot ang mas malaking benepisyo sa mga tao.

Ipinahayag ni Ginoong Tao, tauhan ng National Defence University of People's Liberation Army ng Tsina, na nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya ang sinabi ni Xi, na dapat pahalagahan ang mga suliranin ng mga mamamayan, at gawing misyon ng partido ang hangarin ng mga mamamayan sa mas magandang pamumuhay.

Sinabi naman ni Song Tingting, trabahador sa daambakal, na ang Chinese Dream ay binubuo ng pangarap ng bawat Tsino. Dapat aniyang magsikap ang bawat tao sa sariling puwesto, para magbigay ng ambag sa pagsasakatuparan ng Chinese Dream.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>