Idinaos Biyernes, Oktubre 27, 2017 sa Tokyo ang ika-15 diyalogong panseguridad ng Tsina at Hapon.
Dumalo sa diyalogo ang mga tauhan ng departamentong panlabas at pandepensa ng dalawang bansa. Sinang-ayunan ng dalawang bansa na patuloy na magsagawa ng diyalogo at kontrolin ang mga krisis para pabutihin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng panig Tsino na umaasa silang igigiit ng Hapon ang landas ng mapayapang pag-unlad at patitingkarin ang konstruktibong papel sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ng panig Hapones na patuloy nitong igigiit ang patakaran ng "defense only" at tatlong prinsipyong "Non-Nuclear. "